Secret Kyrile's POV "OH, Bakit nandito ka? Kalalabas lang ni Dustin kung siya ang hinahanap mo," saad ko sa kalmadong boses kahit alam kong grabe ang kaba na aking nararamdaman sa dibdib ko. "Bakit? Si Dustin lang ba'ng puwede kong puntahan dito?" tanong niya at umupo sa silya sa gilid. "Eh, sino naman ang pupuntahan mo? Tulog na kaya si Bebeng." Inayos ko ang kumot ni Bebeng nang-umikot ito mula sa pagkakatulog. "Bakit ba'ng dami mong tanong at para kang imbestigador?" Nakatingin siya nang diretso sa 'kin. Pinilit kong tumbasan 'yon at huwag magpaapekto sa kaniya. Bwiset naman talaga, oh! Bakit ba niya 'ko ginugulo? "Bahala ka nga sa buhay mo. Huwag mo kong istorbohin at baka tamaan ka!" asik ko na ikinatawa naman niya. "Sus, puro ka lang satsat gawin mo," paghahamon niya na ikin

