Lisha's POV DUMATING NA'NG PANAHON na talaga naman na ayaw mangyari ni Sheldon. Napabuntonghininga naman ako habang nakatingin sa 'king asawa na nakatingin nang maiigi sa 'ming panganay at sa nobyo nito. "Daddy, I'm pregnant. Are you not happy for us?" tanong ni Lizzy at hinawakan ko naman ang kamay ng aking asawa. I know his dilemma. Ayaw niyang mawala ang aming panganay sa 'ming tahanan pero darating ang panahon na magkakapamilya rin ang aming anak. "No I'm not mad. Sana nama'y nagpakasal muna kayo bago kayo magkaanak. Wala naman akong magagawa nand'yan na'ng aking apo. And you young man, siguraduhin mong hindi papabayaan ang aking anak. She's my precious jewel. Oras na umiyak 'yan ay bibigwasan ko ang mukha mo," sagot ni Sheldon at napatango naman si Yvo. "Yes po, Tito." magalang

