[Note: This is the elaborated scene sa Tamed By Her. Tungkol kay Leidon. Don't forget to read it.] Third Person's POV "WHAT ARE YOU DOING TO YOURSELF!? Ga-graduate ka na nga lang at talagang ginawa mo pa. You're not thinking properly, Leidon!" galit na turan ni Sheldon sa anak habang walang humpay sa pag-iyak ang kanilang ilaw ng tahanan na si Lisha. Nakayakap pa rin ito sa anak na tila pinoprotektahan bagama't ang mga salitang lumalabas sa bibig ng asawa ay talagang masasakit. "I'm sorry. Hindi ko po sinasadya. . ." hinging paumanhin niya. Shocked was written all over his face after his girlfriend talked to him. "Sorry?! Ginagago mo ba 'ko? Ikaw ang kumakadyot tapos gan'yan ang sagot mo? Walang hindi sinasadya sa ginagawa mo. You're giving me a damn headache. Sasabihin mo pa sa 'kin n

