Lagot! Iero's POV NAKATINGIN lang ako sa Eatery nila Kyrile. Pansin ko ang takot sa kaniyang mga mata. Napabuntonghininga naman ako dahil do'n. She's very fragile and innocent when it comes to this matter. Oras na malaman ko kung nasaan nagtatago ang mga magulang niya'y mapapanatag na'ng loob ko dahil nahipaghiganti ko na si Daddy. "Boss, according to the sources may umaaligid sa bahay nila Ysay ngayon lang. May nagtatanong kasi sa mga tao at nagpapakita sila ng larawan ni Kyrile. Mukhang nasa panganib ang buhay niya," sabi ni Max sa 'kin at napayukom naman ang aking mga kamao. Talagang iniinis nila ako. "Spy them. Kapag may kakaibang kilos. Kill them," asik ko na ikinatango naman ni Max. Napalingon naman sa pwesto ko si Kyrile na nakangiti sa 'kin at nginitian ko naman siya pabalik.

