Jelly Kyrile's POV SINO'NG Jackie kaya 'yon at bakit magkasama sila sa ibang bahay ni Iero? Bwiset naman oh, nakakabadtrip! "Oh, Ate! Bakit mukhang bitter po ang awra mo?" tanong sa 'kin ni Millete. Nayamot naman ako bigla dahil do'n. "Wala lang ako sa mood," mapakla kong sagot na ikinalungkot naman nito. "Alam mo po, Ate. Naalala ko po sa 'yo ang kapatid ko no'!g nalaman niyang may third party sa relasyon nila. Gan'yang-gan'yan 'yon, eh. Pero imposible naman pong mangyari 'yon sa 'yo kasi wala ka naman pong jowa kaya't paano ka po magseselos?" Medyo sumakit ang dibdib ko dahil do'n sa huling sinabi nito. Kaya naman pasimpleng umalis ako ro'n at pumunta sa mesa namin sa loob. Kumuha ako ng ice cream at kumain habang nagmukmok do'n. May point naman si Millete. Bakit ako magiging bit

