Feelings Iero's POV HINDI KO MALAMAN kung ano ba'ng nangyayari dahil hindi na 'ko pinapansin ni Kyrile. Nainis talaga siya sa 'kin nang lubusan na hindi ko naman maintindihan kung bakit. "Naku! Mukhang hindi ka pinapansin, ah. War ba kayo ng ka-love team mo, Boss? Patay! Hindi ka pa nga nakakaiskor olats na agad," pang-aasar sa 'kin ni Charlix habang nakatanaw ako sa labas ng bintana dahil kasalukuyang nagsasampay ng mga damit sina Kyrile at Ysay. "Tsk! Kumusta na ba'ng ipinapatapos ko?" seryoso kong tanong kaya naman umayos din ito. Ayaw ko munang pag-usapan ang problema namin ni Kyrile dahil makakapaghintay naman 'yon. "So far so good. Malapit na natin mapasakamay ang hustisya lalo na't walang-wala na rin si Ms. Kysa," sagot nito na ikinatango ko naman. Well, that's a good news.

