G na G! Kyrile's POV NAPATAKBO AKO sa labas ng sinehan ngunit nahabol naman agad ako ni Iero. "What's that? Is it true that you like me?" sabi niya at napakagat naman ako sa 'king labi. "Ahm. . ." Hindi na lang ako nagsalita at namumulang tumango sa kaniyang sinabi. Napasinghap naman ako nang yakapin niya 'ko nang mahigpit. Kumabog nang malakas ang aking puso at parang gustong lumabas mula sa 'king dibdib. "Don't bite your lips, Sweetie. I like you more," paos niyang turan at namumulang tinitigan ko naman siya. Hindi pa rin ako nakaka-get over ay bigla niyang hinalikan ang aking labi na ikinalaki naman ng aking mga mata. Marupok ako pagdating sa kaniya. Kahit gago siya'y gusto ko pa rin siya. Unti-unting ipinikit ko ang aking mga mata at tinugunan ang halik niya. Naghalikan kami ha

