Hidden Feelings Kyrile's POV "BWISET!" asik ko habang nag-iisisis ng kaldero na nangingitim. Parang lahat ng aking galit ay ibinunton ko ro'n. "Akala mo naman gwapo ka. Gago! Who you ka sa 'kin kapag nakahanap ako ng lalaking mas gwapo at mamahalin ako. Masyado kang feeling pogi at isnabero at saka pa-fall hmmp!" Naiinis ako dahil naabutan ko sila na nakikipag-usap sa grupo ng mga sexy na babae tapos 'yong babae ba nama'y lantaran na nilalandi si Gago na walang ginagawa. Dapat pinigilan man lang pero wala talagang malandi. Nakakainis! Kalalabas ko lang 'non mula sa loob ng staff room tapos gano'n pa'ng maabutan ko. Hindi ka ba mababanas knowing na sinabihan ka pang, 'I like you more.' Oh! Pakyu! Naiinis ako. Kahit hindi ako palamura'y nalalabas ko ang inner secret cussing machine

