ANALYN’s POV Pumasok na kami sa restaurant pagkatapos akong kausapin ng asawa ko. Akala ko ay balewala na lamang ako sa kanya pero hindi naman pala. Hinalikan pa niya ako habang hinihintay kami ni Ma’am Garcia. Nakita niya kami at napa-ismid pa siya sa akin. Hindi ko sure kung nakita ng asawa ko. Bakit niya ako iismiran, asawa ko naman ang humalik sa akin? Nakaupo na siya sa isang table. Kaharap ko siya dapat pero lumipat pa siya sa tapat ng asawa ko. Kung ayaw niya akong katapat, fine! Hawak nila ang menu. Tiningnan ko rin lang naman pero wala akong plano na um-order dahil ang asawa ko na ang gagawa n’on para sa akin. Alam na naman niya ang mga paborito ko. Para hindi naman nakakahiya sa kasabay namin ay inunahan ko na. “Sweetie, ikaw na lang um-order ng food ko. Yung tulad pa rin

