SHADOR’s POV Pumasok na sa klase niya ang asawa ko. Tahimik akong nagbabasa ng mga email sa phone ko. Ito ang ginawa ko para mabawasan din ang trabaho ko. Plano kong pumasok bukas at sa sunod na Linggo ituloy ang bakasyon para magkasama kami ng asawa ko. Sayang rin kasi kung naka-leave ako, siya naman ang wala sa bahay. Abala ako sa binabasa ko ng may biglang tumawag sa akin. “Shad! Ikaw ba ‘yan?” parang kilala ko rin itong tumawag sa akin. Hindi ko lang mabigkas ang kanyang pangalan pero kilala ko siya. “Cathy? Catherine Garcia? Ikaw nga ba iyan?” sagot ko sa kanya. “Meron pa bang iba? Anong ginagawa mo rito? Ano’t napasyal ka rito?” tanong niya sa akin. “Ikaw, anong ginagawa mo rin dito? Nag-aaral ka?” tinanong ko rin siya. Tumayo ako sa pwesto ko at lumapit ako sa kanya. Nag-fist

