ANALYN’s POV Kasabay ko na si Shador nagpunta sa school. “Relax lang, sweetie pie. Maaayos natin ang grade mo.” sambit nito dahil nanahimik lang ako sa loob ng sasakyan. May sinasabi sa kanya si Darwin pero hindi ko naman naiintindihan. Sumasagot si Shador at nagtatawanan pa sila kaya napansin ako nito na wala sa mood. “Okay lang po ako, sweetie.” Sagot ko dito at ngumiti pa ako para hindi rin siya mag-alala sa akin. Iba lang ang gising ko ngayon. Para akong may gustong kainin na hindi ko naman mawari. Pagdating namin sa school ay niyaya ko na siya agad sa faculty room para maka-usap na namin ang professor ko. “May klase si Miss Garcia. Balik na lang kayo mamaya kung importante ang sadya ninyo.” Sagot ng isang professor na napagtanungan naming mag-asawa. Kaya lumabas kami ng facul

