ANALYN’s POV May one week pa kaming pasok sa school. Mali ang bakasyon ni Shador. Sana next week na lang niya itinuloy. Sumama siya sa paghatid sa akin sa school. Si Darwin pa rin ang driver. Sumama rin siya pauwi ng bahay at matutulog siya. Panay ang tulog niya nitong pagkagaling niya ng US. Kahit pagbalik namin mula Santa Monica ay natulog lang ito ng weekend. Tanghaling gigising, matutulog sa hapon at matutulog sa gabi. Okay lang, wala naman siyang gagawin. Wala siyang trabaho ng isang Linggo. Pagkapasok ko ng gate ng school ay nakita agad ako ni Faith. Nilapitana ko nito at kinumusta. “Anong nangyari sa iyo, last week? Bakit hindi ka pumasok?” Kaibigan ko naman si Faith kaya sinabi ko sa kanya ang mga nangyari. Okay na naman kaya okay lang. Sinabi ko rin sa kanya ang kalagaya

