Tangerine's POV As I woke up in the morning, wala parin si Cib. Tinignan ko 'yong phone ko. Ang dami niyang message sa akin. Napangiti naman ako at bumangon na din ako ng kama ko. Mabuti naman at mukhang maganda ang umaga ko ngayon. Himala at hindi ako nahihilo ngayon. At mas lalo namang hindi ako nasusuka ngayon. Ang bait naman ng baby ko. Napahaplos ako sa tummy ko. "Good morning ma." Sabi ko at mukhang busy naman si mama sa kusina. "Sinong kasama ni Blue doon sa bahay?" Tanong ko. "Siya lang. Wag mo na alalahanin 'yon at malaki na 'yong kapatid mo." Sagot naman ni mama. Saktong pagkaupo ko ng mesa ay nag-ring 'yong phone ko. Syempre excited naman ako sa pagsagot at ang buong akala ko ay si Cib. "Hello? Is this Ms. Tangerine Salvador?" Bungad sa akin ng isang boses ng babae. "Yes

