Cib's POV "Bye, ingat ka darling." I waved. Hinatid ko kasi siya sa trabaho niya. Mabuti nalang at hindi niya na naalala pa 'yong ginawa ko kagabi. Hindi ko naman talaga 'yon sinasadya eh. Inantay ko muna siyang makapasok sa loob bago ko pinaandar ang motor ko. Napapansin ko lang, parang araw araw siyang gumaganda. Noong una ko siyang nakita, honestly mukha siyang napag-iwanan ng panahon dahil sa luma ng itsura niya. But now, parang unti unti na siyang nag-aayos ng sarili niya. Well, kahit ano pa man siya ay mahal at mamahalin ko padin siya. ~*~ Bakante ang araw ko ngayon since mamayang gabi pa naman ang appointment ko. Good news! Because soon... we, fboys will be releasing our first album. Pinindot ko ng maraming beses 'yong busina ng motor ko para pagbuksan ako ng gate. Wala pang is

