KABANATA 29

1012 Words
Tangerine's POV Ngayon para na kaming tanga ni Cib. Magkaharap kami ngayon sa table ng kanina pa walang imik at tila kapwa kaming hindi makapaniwala sa ginawa ng parents namin. Ngayon na nga lang kami ulit nagkita sa ganito pang eksina. Nalibot na namin ang buong bahay. Mabuti nalang pala at dalawa yung kwarto. Kompleto na din ng mga gamit sa kusina, sala at iba. Mukhang pinaghandaan talaga. "Ano na?" Sambit ko. "Anong ano na? You brought me here. So what's you decision? Itutuloy paba natin o sasabihin nalang natin yung totoo?" Ani nito. "Bakit ayaw mo na ba?" Tanong ko at mukhang ayaw niya na nga sa akin. "Wala akong sinabing ganyan. Tinatanong nga kita eh." Tugon niya. "Oh bakit mo ako tinatanong? Hindi ba't sabi ko nga na itutuloy nga natin basta hindi tayo aabot ng kasal." This time sumimangot na ako. "Okay fine. Hindi naman ako nakikipag-away." Nakakunot noo na sabi niya. "Ewan ko sa'yo." Irap ko sa kanya. "Gumawa kana ng draft ng bagong contract natin at gagawa din ako." Sabi ko dito tsaka umalis na harapan niya. Pumasok na ako sa kwarto ko at sinubsob yung mukha ko sa unan. "Hayst! Nakakainis siya!" I muttered. Cib's POV Ano bang problema niya? Nagtatanong lang naman ako tapos parang nakikipag-away na siya. Ang labo niya tsk. Bakit ba kasi ako nagtitiis dito? Hindi ko naman talaga kailangan ng pera niya. Baka...siya ang kailangan ko. I mean siya lang naman ang may kailangan sa akin. Instead na mainis ay gumawa nalang ako ng draft ng contract namin. Mga isang oras na ang nakalipas ngunit hindi parin siya lumalabas sa kwarto niya. Ano na kayang ginagawa ng babaeng iyon? Hindi kaya tulog na siya? Naglakad ako palapit sa kwarto nito. I was about to knock nang bigla itong bumukas at natamaan ko siya sa noo. "Aww!" She blurted. "Sorry. Bigla ka kasing lumabas eh. Kakatukin pa sana kita." I explained. "Okay lang." Nakasimangot niya paring sabi. Bakit ba ang taray taray at ang init ng ulo niya ngayon? Ano nalang ba gagawin ko para hindi siya mainis? Sinundan ko siya sa sala at tinabihan sa pag-upo ngunit bahagya siyang lumayo. I just shrugged. ~*~ The following are the dont's while we are living in the same roof: 1.) Do not enter into my room without my permission. Knock first. 2.) Don't be messy. 3.) Don't cheat. Tell me if you're dating someone. 4.) Don't hurt me. I'm tired of being hurt. 5.) Don't you dare to think of r****g me. We will be living in the same house so... don't you think or else I'll send you to hell. 6.) Don't fall in love with me or else I will love you back. Joke! Nah, just don't play with my feelings. Everything on us is in contract so, let's know our limitations. Napatango ako sa nabasa ko habang nagpipigil na tumawa. Nakakatawa kasi yung ibang sinulat niya. Ano bang iniisip niya? Crap! Ganun naba ka-manyak ang tingin niya sa akin at iniisip niyang baka gahasain ko siya? Siya ang gumawa ng dont's at ako naman sa do's. Here are the do's: 1.) Cook breakfast for me every morning. 2.) You're obligated to wash my clothes. 3.) Kiss me on my cheek everytime I oe you return home. 4.) Dating another guy while we're living in the same roof is not allowed. If you do, I'll m******e that guy. *angry emoticon* 5.) Let's go out every sunday. Failure to comply with these will have consequences. Entering into relationship (either one of us) will be the ground in terminating of contract. PS: You can fall in love with me, don't worry I'll catch you *wink* Napakunot noo siya after niyang basahin yung sinulat ko ngunit wala naman akong narinig na reklamo. Nilagay niya yung signature niya doon sa papel at nag-sign na din ako as an agreement doon sa mga sinulat niyang dont's. Nginitian ko siya ngunit inirapan niya lang ako. "Hindi ako mai-inlove sa'yo noh! Asa kapa." She murmured at natawa naman ako. "Sorry naman. Kung ano man kasalanan ko sorry okay? Tama na pagsusungit." Giit ko. "Che!" Sabi niya tsaka tumayo. "Wai-wait!" Sambit ko at may kakaiba akong napansin sa binti niya. "Bakit?" Masungit niyang tugon. "A-ano kasi...ano--" hindi ko masabi ng diretso kung anong nakikita ko. Nakaturo ako sa binti niya at ramdam kong unti unting dumilim ang paningin ko. Tangerine's POV "AY s**t!" Nasabi ko nalang nang makita kong may dugo yung binti ko. Gosh! Kaya pala ang sakit ng puson ko. Saktong pagtayo ko ata ay bumulwak ang dugo ko kaya dumaloy pababa. Mas nagulantang naman ako nang makita kong wala ng malay ni Cib. "Cib!" Yugyog ko dito ngunit wala. Hindi siya dumidilat. Feeling ko nahimatay siya dahil sa akin. Takot ata siya dugo. Anong gagawin ko? Papaypayan ko ba siya? Pinaypayan ko siya pero hindi parin siya nagising kaya kumuha nalang ako ng tubig at binuhos sa pagmumukha niya. Effective nga! Nagising siya. Tinitigan niya mula ulo hanggang baba. "Du-dugo." Mahinang sabi niya habang nakaturo sa binti ko at muling nawalan ng malay. Hays! Nakakaloka naman 'tong si Cib. Dapat pala nag-cr na muna ako. Dali dali na akong pumasok ng banyo at naglinis ng sarili. After kong maglinis ay binalikan ko si Cib. Wala parin siyang malay. Binuhusan ko siya ulit ng tubig at nagkamalay ulit. "Okay ka lang?" Tanong ko dito at tila natakot pa siya ng makita ako at tinitigan pa ang mga binti ko. "A-anong nangyari?" Tanong nito. "Wala, nagkaroon lang ako. Di ko naman alam na takot ka pala sa dugo." Tugon ko at tumango lang siya. "Kaya pala ang sungit mo." Giit naman niya tsaka tumayo at nagtungo ng banyo. Hays, nataranta ako doon ah. But wait! I just got my period, so it means wala talagang nagyari sa amin at hindi ako buntis. Napasandal ako sofa. I feel relief pero ngayon kailangan ko namang patuyin 'tong basang side ng sofa. Argh! Sakit ng puson ko. Ang sarap tumalon sa building, joke. Gusto kong kumain ng isang sakong chocolate *pout*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD