KABANATA 30

1132 Words
Tangerine's POV "Hay naku, ang laki ng eyebag ko." I muttered habang nakaharap sa salamin. Tila namamahay ata ako at hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Tsk! Lumabas na ako ng kwarto para makapaghanda ng agahan. Nakakahiya naman kasi kay Señorito Crisostomo enoh. Teka, ano bang meron sa ref? Binuksan ko yung refrigerator tsaka tinignan kung anong pwedeng lutuin. Egg nalang siguro tsaka hotdog. Agahan naman eh. Tinali ko na ang buhok ko tsaka nagsimula ng magluto. Feeling ko tuloy may asawa na ako. Ang dami niyang do's at ako pa ang nagbabayad sa kanya. Well, it's my fault. "Good morning darling." "Ay palaka!" Hiyaw ko at nabitawan ko pa ang kutsarang hawak ko dahil bigla nalang siya sumulpot at niyakap ako mula sa likuran. "Magugulatin ka naman masyado." Ani nito at halatang inaantok pa. I gulped. Shocks! Six packs!  "Bakit?" Nagtatakang tanong pa nito. "Wala! Mag-toothbrush kana ang baho ng hininga mo." Sabi ko naman kahit hindi naman talaga mabaho yung hininga niya. Syempre palusot ko lang at baka mahalata niyang pinagnanasaan ko siya. Nagtungo na siya sa banyo. Ang cute niya sa suot niyang pajama. Oo nakapajama siya tapos walang damit pang-itaas. Umagang umaga pero feeling ko tirik na tirik na yung araw dahil sa init ng atmosphere na dala niya. Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko tsaka naghain. Ang tagal niyang lumabas ah. "May pasok ka?" Sabi niya pagkalabas ng banyo. "Oo, bakit?" Sagot ko. "Hatid nalang kita." Sambit niya tsaka nagsimula ng sumubo ng  pagkain. "Well, okay." I shrugged then nagsimula na din akong kumain at baka malate pa ako. Namiss ko tuloy kasabay yung mama at asungot kong kapatid. Kamusta na kaya sila? "May lakad ka?" Tanong ko din. "Yeah. May rehearsal kami ng fboys. Sasali kasi kami sa audition." Kwento niya. "Audition for?" Aba... ano kayang sasalihan nila? "Boy band." Tipid na sagot nito. "But next week pa naman iyon. Sama ka ha?Gabi naman daw iyon eh." He added. "Okay." Napatango naman ako at gusto ko din silang i-support sa ganung event. Anyway, mukhang nasarapan naman siya sa luto ko. Sana may sabihin naman siya tungkol sa luto ko. "Masarap ba yung luto ko?" Ayan, hindi ko na natiis. "Mas masarap ka. Wag kang magpapatalo." Hinampas ko siya ng malumanay dahil sa sinabi niya. "Puro ka biro! Ano nga?" Tanong ko ulit. "Hmm... yeah. Kaya lang parang may kulang pa." Itlog na nga lang may kulang pa? "Ano?" Arte naman nito. "Pagmamahal." He half smiled. Shocks! Parang kinikiliti nanaman ako ng dimple niya. Nakakainis siya ngumiti! Hindi ko na tuloy malunok ng maayos yung kinakain ko. "Mauuna na akong maligo. Bilisan mo na dyan at baka ma-late ka pa." Ani nito tsaka tumayo na. Ang bilis niya kumain. Din bale na at baka magkasabay pa kaming maligo choss. Isa lang kasi banyo  namin kaya sana wag siyang pabebe maligo kung ayaw niyang pasukin ko siya doon sa loob. Joke lang. Behave Tangerine. ~*~ First time kung papasok ng office ngayon ng hindi naka-ponytail 'tong buhok. At dahil nakamotor kami, mukha na tuloy akong bruha pagdating sa office. "Good morning Sir." Bati ko dito pagpasok ng office niya kahit busy siya sa harap ng computer. Pinatawag niya daw kasi ako eh. Tinitigan niya ako from head to toe. "Good morning, maupo ka. " Nakangiting tugon niya at na-good shot ata nang makitang suot  ko ang sapatos na bigay niya. Naupo naman ako. "Ang ganda mo today. Mas bagay sa'yo ang nakalugay." Wow napuri ah. "Thanks." Marahan kong sabi. "Anyway. Gusto ko lang sabihin sa'yo na ihanda mo ang sarili mo for next week. May meeting ako out of town for 2 days and of course isasama kita since you are my Secretary." Next week? "But next week pa naman iyon. Sama ka ha?Gabi naman daw iyon eh." Nagflashback sa isipan ko yung sinabi  Cib. Paano na yan? "Hey, are you okay?" He snapped right on my face dahilan para ma-distract ako. "Uhm yes sir." I nodded. Napabuntong hininga ako nang makalabas ako sa office ni Sir Zach. Hay, sana naman wag sumakto yung alis ko sa araw ng audition ni Cib. Naka-Oo na ako doon. Cib's POV Pina-practice namin yung kantang gagamitin namin for audition. Okay naman na so far pero kailangan lang ng kunting pagbabago. Saktong quarter to 12 o'clock yung tapos ng rehearsal namin kaya naman agad kong pinaharurot yung motor ko papunta sa coffee shop kung saan malapit nagta-trabaho si Dalanghita. "Kumain kana ba? Sabay tayo mag-lunch." I texted her. "Sorry. Nasa labas ako kasama yung boss ko." She replied. F*ck! Gusto kung ibato yung phone ko sa sinabi niya. Bakit sila magkasama eh lunch break? "Okay. Sige, busy din pala ako." Message sent. Bago ko pa man maibato yung phone ko ay pinasok ko na ito sa bulsa. Bakit ba kasi ako pumunta dito? Palabas na ako ng biglang may mabangga akong babae. Actually siya pala yung nakabangga sa akin but since babae  siya kaya ako na nag-sorry. Tinatakpan niya ng panyo ang kanyang mukha at tila umiiyak din siya. She looks familiar to me. "Cib?" Confirmed. "Cathy?" Bakit siya umiiyak? "Cib..." she uttered again my name but this time niyakap niya ako at tila may problema nga siya at umiiyak nanaman siya. Tangerine's POV Lunch break na kaya inayos ko na ang mga gamit ko tsaka naglakad palabas. Saan paba ako pupunta? Syempre balik tambayan ako. Yep, sa coffee shop ako kumakain ng lunch at hindi lang naman coffee ang available sa kanila. May mga pagkain din silang abot naman ng budget ko. Malapit na ako sa coffee shop nang matanaw ko si Cib. Anong ginagawa niya dito? Hindi pa man ako nakapasok ay biglang tumunog yung phone ko. Siguro siya 'to. "Kumain kana ba? Sabay tayo mag-lunch." Napangiti naman ako upon reading his message. "Sorry. Nasa labas ako kasama yung boss ko." I replied. Gusto ko lang tignan kung anong magiging reaction niya. Kitang kita ko mula sa labas ang pagsalubong ng kilay niya habang nakatutok sa phone. "Okay. Sige, busy din pala ako." He texted again. Mukhang napikon ata. Nakita kong tumayo siya sa kinauupuan niya at mukhang lalabas na. Papasok na sana ako kaso biglang may nakipag-unahan sa akin sa pinto kaya nasagi pa niya ang balikat ko nang pumasok siga at hindi man lang nagsorry. Muntik nang malaglag yung salamin ko doon ah. The next thing happened is nakita kong si Cib naman ang binangga niya. Aba, kaloka yung babaeng 'yon ah. Maglalakad na sana ako palapit kay Cib ng biglang-- Biglang tumigil ang ikot ng mundo ko nang makita kong niyakap nung babae si Cib. Lalong napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino yung babae. It was her again. Tumalikod nalang ako sa kanila. Hindi ako dapat malungkot right? Hindi dapat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD