"Sigurado ka bang tama ang mapang iyan?" "Oo nga, Talisha. Baka pinag lalaruan lang tayo ng lalaking iyon." Dagdag ni Martha sa tanong ni Bobbie. Nandito kami ngayon sa kahariang Bravilya, ayon sa mapang binigay ni Jack saakin. Ilang araw kaming naglakbay upang makarating sa kahariang ito. Sabi ni Jack saakin noon bago siya umalis ay may kailangan siyang asikasuhin. Pumayag ako agad dahil ayokong maging abala sakaniya, dahil kahit ano pang mayron kaming dalawa ay may kaniya-kaniya pa rin kaming responsibilidad at gustong gawin bilang indibidwal. "Naniniwala ako sakaniya. Alam kong hindi niya ako lolokohin." Tugon ko. Kami nila Martha, Bobbie at Alas lamang ang magkakasama ngayon dahil pinaiwan na namin sila May at Sofia. Nakabubuti rin sakanila ang maiwan dahil baka mapahamak pa sil

