"Ahhh. Sa wakas ay nakabalik ka dito, Talisha. Ilang taon kang nagpaka sarap sa mundong iyon habang iniisip na binigyan ka talaga ng pagkakataong mabuhay ng mga dyos at dyosang napag kasunduanan mo." Sabi ng matandang lalaki na si Don Rafael kung tawagin. "Kayong dalawa. Nakuha niyo talagang labagin ang patakaran dito, ano? Gusto nito bang ilagay ko kayo sa harapan ng'Gate of Hell'?" "H-hindi po, Don Rafael." Takot nilang sagot na dalawa habang nakayuko sa gilid ko. "At ikaw? Sino ka? Bago ka lang, hindi ba? Ano ang pangalan mo?" Tanong niya kay Jack na katabi rin nila Martha at Bobbie. "Huwag mong sasabihin ang totoo mong pangalan." Rinig kong bulong ni Bobbie sakaniya. "Jack. Ako si Jack." Sagot niya dahilan ng pagpikit ng mariin nila Martha. "Jack. Hmmm. Bakit mo sila kasama?"

