Nabalot ako ng nakakasilaw na liwanag dahilan ng pagpikit ko ng mariin. Nakaramdam ako ng pamilyar na kapaligiran at ang malakas na hampas ng hangin saaking katawan at naglilipad ng mahaba kong buhok ay sobrang pamilyar. Unti-unting bumabalik ang mga pakiramdam ko at unti-unti ko na ring naririnig ang tunog ng dalawang metal na bagay na tunatawa sa isa't isa. Shit. Nagkakagulo pala dito nang bumalik ako sa mundong iyon. Nasaan na kaya si Jack? Nang tuluyang bumalik ang lahat ng pakiramdam ko'y halos malula ako dahil sa mga katawang nakalatay sa lupa habang ang mga iba ay patuloy sa pakikipag laban. May mga malalaking tao, may mga nilalang na naglalabas ng yelo, may mga nilalang na para lamang hangin, mga lobo, bampira, at iba pa. A total chaos is the only term I could describe wh

