Habang papalapit ako sa bangin ay rinig na rinig ko na ang mga alon sa dagat. Ang malakas na hangin na halos sumasayaw sa mga puno. "If he's here, I'll hug him. If he is really here, I'll f*****g hug him." Usal ko at pilit na pinapakalma ang puso kong bumibilis ang pagtibok. Pagkarating ko'y para akong hinihila ng lupa dahil sa pagkadismaya. Wala akong makitang Jack na inaasahan kong pinapanood ang dagat habang nakaupo. Nang pabalik na ako ay napansin ko ang lalaking naglalakad ng tahimik patungo sa bangin. Mas bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko siyang tamad na naupo sa malaking bato atsaka rin tamad na ipinatong ang baba sakaniyang palad. Pinagmasdan ko siya habang malaya niyang pinagmamasadan ang kagandahan ng dagat. I really want to run to him and give him my tight

