El Greco Forever/Series-1 kabanata-2

1450 Words
Kabanata -2 "KUYA AJ!" bigla siyang napadilat. "Anne, I'm glad you're awake!" "M-Ma?" tila naninigurong tanong ni Annalize kahit sigurado naman siya na mukha ng ina ang nakikita. "Y-yes, it's me, your Mama! Are you okay? M-may masakit ba sa iyo, ha?" nakabadha sa mukha ni Jessielyn ang pag-aalala. "Tatawag ako ng doktor at—" "No, I'm all right, Ma. A-ano hong nangyari?" "May nakabangga sa likod ng kotse mo at dahil nawalan ka ng kontrol sa manibela, nabangga ka naman sa puno at nawalan ng malay. Thanks God na hindi naman masyadong malala ang nangyari sa iyo at may nagmalasakit na tulungan kang madala agad sa ospital. Okay naman ang CT-scan mo at walang nabaling buto. Medyo malaki nga lang ang sugat mo sa noo kaya tinahi. But don't worry, kaya naman ng plastic surgery para hindi magpeklat at tago sa buhok." "G-ganoon ho ba? Si Kuya AJ?" "Oh, katatawag lang niya bago ka magising. Labis ngang nag-aalala sa iyo nang malaman na naaksidente ka kaya kahit na hindi pa tapos ang bakasyon niya sa Hongkong ay uuwi na siya bukas." "P-pero..." kusa siyang natigilan sa iba pa sanang nais sabihin. I saw him! I swear I saw him before I've pass out! At naramdaman kong binuhat niya ako. Pero paano nangyari iyon gayung nasa Hongkong talaga si Kuya AJ? "Hija, are you okay?" "Ah... I-I'm okay, Ma!" sa huli, pinili na lang ni Annalize ang manahimik... Maybe I'm just imagining things. I feel dizzy that time, at si Kuya AJ ang huling taong nasa isip ko bago ako nabangga. Yeah, that's it! Oh, I miss him kasi! _____________ MATIIM na matiim ang titig ni RJ sa larawang nasa driver's license na nahulog sa kanyang jeep kagabi. Annalize El Greco? May kaugnayan kaya siya sa... ah, hindi naman siguro! Marami namang El Greco sa bansa. Gayunpaman, muli niyang pinagmasdan ang larawan... Ang ganda niya sa larawan... ang gandang ngumiti. Pa-cute kahit sa picture sa lisensiya. Mayaman pa! Hindi ako magugustuhan ng kagaya nito. Kaya tigilan ko na lang muna ang pangangarap, okay! At itong lisensiya niya, saka ko na isasauli kapag may oras na ako. Hahanapin ko na lang ang address na nakalagay dito. Forbes Park... hmm, lugar ng mayayaman! Makapasok kaya ako roon! Ah, ewan! Naiiling na ibinalik na lang niya sa wallet ang lisensiya at tumayo na mula sa bangko upang pumasok sa kabahayan at pinatay na ang ilaw sa maliit na balkonahe. Pagkuwa'y pumasok sa munting silid ni Aling Julia. "O, gabi na, ah! Bakit hindi ka pa matulog?" Inut-inot itong naupo sa gilid ng kama. "Matutulog na ako, Inang. May... itatanong lang sana ako sa inyo." Naupo din siya sa gilid ng papag. "Ano iyon, anak?" "Iyon hong... sinabi ninyo sa akin dati tungkol sa... tunay kong pinagmulan." Bahagyang naging mailap ang mga mata ng matanda. "Ah... oo, anak. Ano ang tungkol doon?" "Iyon hong... pinakita ninyo sa akin na damit ng sanggol... iyong suot ko noong... bagong panganak ako at..." hindi niya masabi ang huling salita. "Ah, iyong pangalang nakaburda sa damit mo?" "Oho. Akin ho ba talaga ang damit na iyon?" "Oo naman! Iyon ang suot mong damit, kaya sigurado ako sa iyo iyon! Bakit?" "Puwede ko ho bang mahingi." "Sige. Noon ko pa ibinibigay sa iyo, ayaw mo lang tanggapin. Sabi ko sa iyo, sa pamamagitan niyon ay baka sakaling matagpuan mo ang tunay na—" "Hindi ho iyon ang dahilan kaya ko hinihingi sa inyo ngayon. Wala akong balak na hanapin sila. Gusto ko lang... mabasa ang pangalang nakaburda doon. Tapos ho ay itatago ko na lang uli." "Ganoon ba? Sige. Naroon sa aparador sa labas, sa ilalim ng mga damit kong hindi na ginagamit." "Salamat ho, kukunin ko na lang." "Anak, kung gusto mo na silang hanapin, okay lang naman sa akin at—" "Inang, hindi ho. Bigla lang nabuhay ang kuryosidad ko. Pero wala na akong balak na hanapin sila. Hindi ko hahanapin ang mga taong umayaw sa akin." "RJ..." "Sige ho, matulog na kayo. Ako na hong bahala na kunin sa aparador." "Sige." Mabigat ang kaloobang lumabas ng silid si RJ, tinungo ang lumang aparador at kinuha ang damit ng sanggol na nakatago roon at ilang sandaling tinitigan... RJ El Greco... ito ang pangalang pinili ng aking ina para maging pangalan ko. Pagkatapos ay itinapon niya ako, ganoon? Bakit binigyan pa niya ako ng pangalan? Napapabuntong-hiningang pilit na lang niyang hinamig ang sarili, pagkuwa'y muling ibinalot ang baby dress at nilagay sa sarili niyang gamit... Wala akong planong hanapin kayo, pero hindi ko pala masasabi ang panahon at pagkakataon. Baka isang araw, may isa na namang El Greco na sumanga sa aking landas. Gusto kong maging handa sa pagkakataon iyon! Kuyom ang kamao at nagtatagis ang mga bagang nang mahiga na si RJ para matulog... Ramdam niya ang muling pag-ahon ng galit at pagdaramdam sa kanyang puso sa muling pagkaalala sa kanyang kapalaran... ____________ "O, MAG-IINGAT ka na sa pagda-drive, ha? Dapat yata ay ikuha na lang kita ng sariling driver," wika ni Aaron James habang naghahapunan sila. "Tama ang Kuya mo, Annalize. Noon pa kita binibigyan ng sariling driver, ayaw mo naman." "Ma, Kuya AJ, maayos naman talaga akong magmaneho. Five years na akong nagda-drive at wala pa akong kinasangkutang aksidente. Sadya nga lang may mga taong walang ingat sa kalsada kaya nakakadisgrasya ng kapwa." "That's what I mean! Kung may sarili kang driver, kahit na paano ay—" "Kuya AJ, stop it! Stop being so protective to your twin-sister!" natatawang wika ni Annalize. "Pero kung ikaw ang magiging driver ko, why not?" "Kung puwede nga lang ba! But I have my own life to live. Dapat kasi, nagbo-boyfriend ka na! Para may maghahatid at sundo sa iyo kapag papasok at uuwi ka mula sa ospital!" "Ay, ayoko nga!" "Ano ka ba? You're twenty-seven, pero kahit minsan, hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Ang dami mo namang suitors and admirer! Ang daming nagpupunta rito sa bahay, ayaw mo lang harapin." "Most of them ay tinapat ko ng walang aasahan, so, bakit kailangan ko pa silang harapin? Lalo lang silang mangungulit at aasa na baka magbago pa ang isip ko." "Masyado ka namang mailap, anak. Ang guguwapo naman at ang yayaman pa ng manliligaw mo, ah!" Naiiling na lang na wika ni Jessielyn. "Oo nga! Ikaw din, baka tumanda kang dalaga!" natatawang wika ni Andro. "Ay, naku, okay lang iyon Papa! If I can't t find someone like you and Kuya AJ, iyon bang kasingbait at kasingguwapo ninyo, iyong kasingtino ninyo, okay lang na tumanda akong dalaga!" "Naman! Talaga bang paninindigan mo na maghanap ng kasing-ideal man namin ni Papa?" "And why not? Hindi naman ako nagmamadaling magka-boyfriend, okay?" "Ewan! Bahala ka na nga! Paalala lang, mahirap maghanap ng kagaya namin ni Papa!" "It's okay, hindi bale nang tumanda akong dalaga! Basta kagaya ninyo ni Kuya ang gusto ko. Ikaw, one-woman-man! Si Kuya, hopeless romantic, naniniwala sa destiny and forever." "Bahala ka!" Nagkatawanan na lang ang mag-anak habang kumakain... __________ PERO minsan, mahirap talagang magsalita ng patapos... sa malas, nakatakda talagang subukan ng kapalaran si Annalize... "Oh, my! Bakit naman dito pa? At bakit ba minamalas yata ako nitong mga nakaraang araw?" Naiiling na bumaba ng kotse ang dalaga para sipatin ang likurang gulong ng sasakyan na na-flat. Oh my God! Sabog, ah! Ano bang gagawin ko? May spare tire nga ako, hindi naman ako marunong magpalit! At bakit ba dito pa ako na-flat? Napalingap sa paligid si Annalize. Oh God! Ang dilim naman sa parteng ito ng kalsada! Pundi ang ilaw at maraming puno! Wala pang dumadaan na sasakyan! Ano bang gagawin ko? Baka may dumaang salbahe at kung ano ang gawin sa akin, ah! Ni wala man lang taxi na dumadaan! Buti pa ay doon na lang ako sa loob ng kotse at tatawag na lang ako sa bahay para— Napapitlag pa siya ng tamaan ng liwanag ng headlight ng palapit na sasakyan. Huh! May parating! Hihingi ba ako ng tulong? Paano kung... salbahe ang sakay at kung ano ang gawin sa akin? Lalong kinabahan si Annalize, sa ilang sandali ay parang gusto na niyang tumakbo papasok sa kotse at magkulong na lang doon. Pero para naman siyang tanga kung gagawin iyon gayung hindi pa nga niya alam kung mabait o salbahe talaga ang sakay. Paano kung nakahanda naman talagang tumulong? Pero anuman ang gustong gawin ng dalaga, hindi na niya magagawa, dahil ngayon ay pababa na mula sa unahan ng sasakyan na isa palang pampasaherong jeep dalawang lalaki na isang pandak at isang matangkad. Oh my God! Mga lalaki! At ang tangkad ng driver, ang laki pa ng katawan! Paano kung bigla akong dakmain ng mga ito? Napapalunok na napahakbang siya paatras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD