LOUISE Magandang balita ang binungad sa amin ni Diego nang magpunta kami sa backstage para mag-ready. Dala ni Kendi ang malaking paper bag. Nandon na rin ang mga susuotin ko. Talagang prepared ang babaeng iyon. "Sold-out na ang tickets! May ilan pang naka-abang sa labas ng Arena na naubusan ng ticket. Manonood na lang sila sa flatscreen tv doon." Tuwang-tuwa naman ang mga kasama ko. Ang next na dapat naming gawin ay ma-satisfy ang mga manonood kaya naman nag-last practice pa kami sa sayaw namin. Hindi pa rin maiwasan ni Seb na magkamali. Mukhang wala talaga siya sa focus. Takot lang ni Kendi na pagalitan siya. 15 minutes na lang at magsisimula na. Medyo kinakabahan ako kasi first time kong sasayaw on stage. Sana naman magawa ko nang maayos. Para sa kanila 'to. Well, para sa special tra

