LOUISE Nandito kami ngayon sa arena. Kasama ko ang mga elemental leaders. Kanina lang kasi inanunsyo na hindi kasama ang mga leaders sa laban. 'Yun daw ang twist ng laro. Makikita daw ngayon kung kaya bang tumayo ng mga members kahit na wala ang kanilang mga leaders. "Okay lang. At least hindi na kami magpipisikalan ni Kennedy, di ba, mahal?" Siniko siya ni Kendi, "Ulol." "Walang kwenta ang training." Si Layn na nakasimangot, "Anong silbi natin sa event na 'to?" "Tumulong tayo sa mga booths. Or kahit maglibot na lang." Nakangiting suggestion ni Mika. "Mabuti pa nga." Si Ashren na punong-puno ng kiss mark sa mukha at leeg. Gawa siguro ng booth namin, "Game ba kayo? Kakatapos ko lang sa booth namin." "Halata naman." Komento ko. Nginitian lang naman niya ako at kinindatan pa. Ew. "Hin

