LOUISE Isang nakakabinging sounds ang gumising sa diwa ko. Tinignan ko ang oras sa wall clock. 3:00 am. Ibig sabihin, kailangan na naming bumangon. "Kendi, mauna ka nang maligo." Antok na sabi ko, "Ipangre-ready na kita ng damit mo." Umupo naman siya sa kama niya. Isang minuto siyang tumitig sa pader bago siya bumangon ng tuluyan. "Ang aga naman! Halos kakatulog ko lang, eh." Reklamo niya. Monday na ngayon. Simula na ng foundation day s***h Intramurals. Ang call time ay alas cuatro para magtayo na ng booths at mag-training pa para doon sa game. Last sabado, may inanunsyo din ang Head Mistress. Isang battle ang magaganap. May kakalaban daw sa pinaka-malakas na enchanter dito sa academy na si Seb. Wala pa silang sinasabi kung sino ang makakalaban nito, pero ang lahat ng estudyante ay ex

