LOUISE Alam ko naman na isang enchanter si Mrs. Merrick- ang aking tunay na ina. Pero hindi ko alam na alam niya ang Levis, I mean, na pumupunta siya dito. Wala naman nababanggit si Lola Lydia tungkol sa kanya. Natulala na lang ako nang makita ko siyang gumamit ng kapangyarihan niya laban sa mga halimaw. Malakas na siya at mukhang sanay na sanay makipaglaban. Masasabi kong tulad ko, kakaiba siya. May dalawa hanggang tatlong elements siyang hawak kaya madali lang para sa kanya na patumbahin ang mga kalaban. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Anak ko..." Hindi ako makapaniwala. Hindi ako umimik at gumalaw. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Kita ko ring nakatingin lang sa amin ang lahat. Ang elemental leaders, mga schoolmates ko, mga Jeldomians, mga staffs at faculties. Para bang hi

