LOUISE Nakabalik kami sa Levis. Isang araw lang ako nawala dito, pero sobrang kong namiss ito. Inakbayan ako ni Saito habang papasok. Napataas ang kilay ko at siniko siya. "Remember my dad's rule?" "Shit." Mabilis niyang inalis ang pagkakaakbay sa akin at dumistansya ng konti, "Okay na ba 'to?" Nagkibit balikat lang ako at dumiretso sa Head's Office. Binati ako kami ng Head Mistress ng welcome back. Binalik na rin naman ni Saito 'yung phone na hiniram niya. "Nagpaalam ang mga estudyante dito na ngayong huling araw ng mga Jeldomians, magpa-party sila sa Secret Garden mamayang gabi. Pumayag naman ako." "Pupunta kami." Sagot ko na lang at ngumiti. "Mabuti." Hinatid ako ni Saito sa dormitory namin bago siya bumalik sa dorm nila. Diretso naman ako sa kwarto namin ni Kendi at pabagsak na

