LOUISE Antok na antok ako sa klase namin. Pumipikit na ang mga mata ko. Ni wala akong naintindihan sa mga sinabi ng teacher namin. Plus ang aga ko pang nagising. 5 am?! Kung nasa bahay lang ako, 10 ng umaga ay tulog pa 'ko! Hindi na ako nakatiis, tumayo na ako at lumapit kay Ma'am. Natigil siya sa pagdi-discuss nang makita ako. "Oh, Miss Hamilton." "May I go out?" I tried harder to keep my voice calm, kahit sa totoo lang, iritang-irita na ako. Gusto kong matulog. 'Yun lang. Sana naman ay mapagbigyan nila ako. Tumitig siya sakin at napangisi, "Lahat ng teachers dito ay nabigyan ng power na bumasa ng mga iniisip ng mga estudyante. Be careful sa mga iniisip mo, Miss Hamilton. I'll give you 5 minutes, alright? Kapag wala ka pa dito, I'll mark you absent." I rolled my eyes. 4 words lang '

