LOUISE Iginiya ako sa isang malawak na kwarto. Tinatawag nila itong training room. May transparent na humaharang sa bawat estudyanteng gumagamit ng mahika. Noong una ay na-shock pa ako kasi ibang level na ito eh. Sabay-sabay ko nang nakikita ang paggamit nila ng mga charms. Hindi talaga makatotohanan. Gusto ko tuloy sampalin ang sarili ko para magising! Pero kalaunan naman ay nasanay na rin ako. Minsan ay napapaiwas ako at baka tamaan ako. Pero hindi naman pala dapat dahil nga sa may transparent na harang. Safe naman pala. Mahaba ang tinahak naming daan bago narating ang pinto sa pinaka-dulo. Binuksan ni Raki 'yung pinto at bumungad sa akin ang isang hindi kalakihang kwarto kumpara sa nadaanan namin kanina. Doon ko napansin ang mga tao sa loob. Hindi tulad sa labas, walang harang na nag

