"Hello?" Inayos ko ang aking bag pagkalabas ng coffee shop. Kinausap ko sila Rama, Kian At Verix. I apologize for what I have done. ..And they gladly accepted it. Si Marcus lang talaga ang maarte. And speaking of Marcus. Napatingin ako sa aking telepono. "Marcus?!" "Oooh! Hindi ako nagsalita pero kilala mo ako?" Tumawa siya. "Ikaw 'ah." Tudyo nito. Pinatay ko ang tawag. Mukhang wala naman siyang balak na magsalita ng matino 'eh. Nang makapasok ako sa kotse ay agad ako tinanong ni Kuyang Guard kung saan ako pupunta. Medyo kumunot ang noo ko ng may makita akong nakakatakot na lugar sa isip ko. 'Yong lugar sa libro ko--kung nasaan ang Factory ng isang Mafia sa'king libro. I wonder kung totoo 'yon. .. Well, since wala naman akong magawa, hahanapin ko ang lugar na 'yon. Kahit alam kong h

