Napangiwi ako dahil sa sakit ng ulo na aking nararamdaman. Hinawakan ko ito. "Aray. .." Ano 'bang ginawa ko? Isang chandelier ang bumungad sa'kin at tinitigan ko iyon. Kagabi, sa sobrang inis ko ay hinanap ko sila Avy at Krish. ..Naglabas ako ng hinanakit sakanila at umiinom kami. .. Nalasing ba ako? Doon ko napagtanto na walang chandelier sa kwarto ko kaya agad akong napabalikawas. Kasabay 'non ang pagkahulog ko sa sahig. "Ouch!" Hinawakan ko ang aking likod. Walang carpet na kulay maroon sa kwarto ko! Tinignan ko ang paligid. Nakatulog ako sa hindi kilalang sofa! Kaninong bahay 'to?! "Glad you're awake." Nanlaki naman ang mga mata ko at inipon ang kumot para tabunan ang aking katawan. Kahit na kumpleto pa ang suot ko kagabi, at nalalasahan ko ang hindi magandang bagay sa'king bibi

