"Marcus!" Habol ko sakanya. Inaayos nito ang manggas ng kanyang coat at dire-diretso na naglalakad patungong garahe. Nakatalikod ito sakin at hindi manlang nilingon ng tawagin ko siya. Ilang araw na rin simula ng matanggap ko na kailangan ko siyang pakisamahan at maging mabait sakanya, para pag nabuhay ako maipakulong ko siya, kasama ng mga alipores niya. Pero yung singsing ko? Ayaw makisama! I tried to make fun with him, make laugh, at kung ano-ano pa! Pero yung puting buhangin na nadagdag sa singsing ko ay napakaliit pa lamang! Ano ba 'yan! Mukhang matatagalan ako sa misyon ko dahil sa tigas ng pader na itinayo niya sa pagitan namin! Tapos sa tuwing kakausapin ko siya, sasamaan ako nito ng tingin! Gosh! Yung mga jokes ko 'eh hindi niya tinatawanan! Binubulyawan pa ako nito! Paano ko

