Ilang oras na 'ata akong naglalakad-lakad sa lobby. Actually, kanina pa ako dito at mukhang naikot ko na ang buong lobby. I pout. Babalikan niya pa ba ako? Mukhang nag-enjoy na siya sa asawa niya. Luminga-linga ako sa paligid. Aba, kung hindi niya ako babalikan dito, ako na lang ang aakyat. Nagtungo ako patungong elevator at tinagusan ang mga tao para magtungo sa dulo ng parte ng elevator. Mamaya ko na lang pipindutin ang buton kung saan ako patutungo. Bawat palapag na dinadaanan ng elevator ay may bumababa. At ng wala ng tao ay nakahinga ako ng maluwag. Pinindot ko na ang presidential button at nanatiling nasa gilid ng elevator. Kumunot ang noo ko ng tumigil ang elevator sa 45th floor. May sasakay pa pala? Kasi simula ng makarating ako sa 30th floor 'eh wala na talagang sumasakay. May

