Tahimik kami na kumakain ni Greg sa isang restaurant. I don't know why we are here. Biglaan na lang niya akong tinawagan at sinabing mag-ayos dahil kakain kami sa labas. Tanging ang musika lang ang namayani sa'ming dalawa. Hindi ko siya matignan. I am his fiancé. Yet, I am doing something fishy sa loob pa mismo ng pamamahay naming dalawa. "Let's talk about the wedding." Panimula niya. Matamlay ito. Tila pagod na. Napakagat ako ng labi bago umiling. He sighed. "Don't you want to talk about it?" Sumandal siya sakanyang upuan at nag-angat ng tingin. Napakagat ako ng labi. I felt like crying. All my life, walang ginawa si Greg na alam niyang ikakasakit ko. Now, nandito siya sa harap ko--broken. "Sorry, Greg." Doon nagsimulang tumulo ang luha ko. "What? That's fine." Tumuwid ito ng upo.

