Napakagat ako ng labi. Ilang oras na ang nakalipas nung lumabas ako ng kwarto kung nasaan si Marcus, pero hindi pa rin lumalabas yung Gabo na mukhang gumagamot sakanya. Mag-uumaga na, wala pa 'ring nangyayari.
Okay lang kaya siya? Sana maging okay na ang lahat. Tinignan ko si Verix at Rama na natutulog sa upuan. Nandito kami ngayon sa taas, nakaupo sa sofa na kaharap lang ang book shelf na sa tingin ko ay susi pababa. Ang advance ng technology nila. Marcus, narinig ko na malakas ka daw? Be strong. Bakit ba kasi hindi siya naniniwala na multo ako? Kung sinampal ko sakanya ng todo na multo ako edi sana hindi siya nabaril ng tatlong beses at nasa ganitong kalagayan!
"Magsi-gising nga kayo!" Napaangat ang aking ulo mula sa pagkakayuko ng sumigaw si Gabo. Kita ko naman ang pag panic ng dalawa na ikinatawa ni Gabo, "Boss is okay. Pero ano bang nangyari?" Umupo siya sa sofa.
"Malay. Tinawagan kami ni Trina about 10:10 PM. Pero syempre, late kami dumating kasi kaya naman ni Boss ubusin ang kalaban. Usually, taga-ligpit lang kami ng kalat." Paliwang nung Verix.
"Pero mali kami. Nakahandusay yung kalaban, pero siya rin pala. Alam kong malakas si Boss at magaling siya umiwas sa mga ganyan. At kahit mahirapan siya, Trina would be there to help him." Ani Rama na napakaseryoso. "He must be distracted kaya nangyari 'yon."
"Distracted? Pero siya lang mag-isa 'don. At sigurado ako na hindi mabilis ma-distract si Boss." Sabi ni Verix.
"This is the first time." Ani Gabo. Tumango naman ang dalawa, and me? I felt guilty.
"We must check the CCTV." Tumayo si Rama.
"Pero alam nating walang CCTV sa kwarto ni Boss, and to say the another surprise, sa kwarto pa niya siya nabaril." Napailing si Verix.
"Hindi siya mag-isa. I heard Boss whisper the word 'Lady'. I must say na may pino-protektahan si Boss kaya siya nabaril ng ilang beses. Kaya let's go, Verix." Ani nung Rama.
"Good luck! And oh, anong balak niyo sa mga Gabriel? I heard tao niya ang gumawa 'non kay Boss." Sabi ni Gabo.
My heart suddenly sank. What was that for?
"Wala pang command si Boss. Just wait pag nagising siya." Ani Rama.
Tumayo ako at inisip na tumagos sa sahig kung nasaan ang pintuan pababa. Tumagos ako 'don at hagdan pababa ang tumambad sakin kaya dumiretso ako para tignan si Marcus. He is topless pero halos mabalutan ang upper chest niya ng mga benda at kung ano-ano pa.
"Sino ba yung mga taong gumawa sayo nito?" Umupo ako sa kama "Sino ka ba talaga?"
Magiging madali ba para sakin 'to? Para kasing napakahirap, hindi ko pa siya kilala pero nakararamdam ako na mahihirapan ako sa misyon ko.
"Bakit hindi pa rin gumigising si Boss, hanggang ngayon?!" Sigaw ni Rama ng makabalik siya kasama si Verix. Kita sa mukha niya ang galit lalo na ang pag-aalala dahil mag-iisang araw ng nakaratay si Marcus.
I bit my lip. Oh god, help him.
"Chill, Vinz." Kalmado pero seryosong sambit ni Gabo. Pagkatapos 'non ay binalik niya muli ang kanyang tingin kay Marcus na nakaratay. "Isang araw pa lang naman. Still reasonable for me since tatlong beses siyang nabaril." Paliwanag ni Gabo.
Kita ko ang pagkalma ng mukha ni Rama pero nakakunot pa rin ang noo nito. "Fine." He sigh at ibinagsak ang sarili sa sofa na nasa gilid ng silid.
"This is frustrating." Simangot ni Verix at sumunod kay Rama sa sofa.
"Why?" Tanong ni Gabo at naupo sa one seat sofa.
"Wala. ..kaming nakitang ibang tao except for Boss, halos lahat ng CCTV na check na namin. Wala akong nakitang tao na pwedeng protektahan ni Boss." Paliwanag ni Verix.
"Except sa hagdan. ..may kausap siya. Pero sarili lang niya." Seryosong sabi ni Rama.
"What?" Gulat na sambit ni Gabo. "What do you mean, kinakausap niya ang sarili niya?" Seryoso ang usapan nila.
Then naalala ko. ..ako yung kausap ni Marcus sa hagdanan! God! Baka pagkamalan siyang baliw!
"I don't know. Iyon lang ang na-revive ni Trina, since ang mga tauhan ng Gabriel ay sinira ang mga ebidensya na kailangan natin." Napahilot sa sentido si Verix. "Pero narinig ko, may pinapaalis siyang babae 'don at kausap niya. ..pero wala naman. Ewan!"
"Hindi kaya. ..?"
"No." Sabi ni Gabo. "Alam niyong imposible ang iniisip niyo na nababaliw na si Leandro."
"Pero anong gusto mong isipin namin? Na kumakanta lang siya?" Inis na sambit ni Rama.
"Hindi siya baliw! Hindi niyo lang ako nakikita!" Sigaw ko sa mukha ng pesteng Rama na 'to!
Ano ba 'yan! Dahil na naman sakin, pag-iisipan siya ng masama nila Rama! Una, nabaril siya ng tatlong beses dahil sa akin! Pangalawa ay masisira ang katauhan ni Marcus sa paningin nila ng dahil sakin? Hindi pwede!
Verix sigh. "Si Boss na lang ang tanungin natin tungkol dito."
"What the hell?!" Napalingon ako sa likod ko at kita ko mula dito ang nakaupong si Marcus sa kama.
"Boss!" Nagsitayuan ang tatlo mula sa kama at tumagos pa sakin si Rama. Sumunod ako sakanilang tatlo at nanatiling nasa likod nila.
Pero nakatingin sakin si Marcus kaya kinabahan ako. Oh please, wag kang magsalita. Pagkakamalan ka nilang baliw.
"Boss! Ano bang nangyari!? Ba't hinayaan mong barilin ka ng tatlong beses ng mga lalaking 'yon?" Tanong ni Rama at halata sa boses nito ang pagka-dismaya pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang pag-aalala niya.
Pero ang pag-aalala na 'yon ay binalewala ni Marcus dahil nanatili ang mga mata niya sakin. Kaya naglakad ako papalapit, papunta sakanya.
Kita ko sa mata niya ang gulo. Tila nagtatanong ito sakin kung anong nangyari. ..o mas nagtataka siya dahil hindi manlang ako pinasadahan ng tingin nila Verix kahit nasa harap na ako ni Marcus, na parang hindi nila ako nakikita.
"Wag ka mag salita. ..Wag mo ako kausapin. Iisipin nilang baliw ka. Hindi nila ako nakikita." mahinahon kong sinabi sakanya 'yon. Salamat naman at gising siya. Ayoko siyang mapahamak dahil sakin, o sa misyon ko.
"What?" Nakatingin pa rin siya sakin. Halata sa itsura nito ang naguguluhan dahil nakakunot ang noo nito sakin.
"Wag mo ako kausapin. Iisipin nilang nababaliw ka. Please.. ." ayoko naman sumama ang tingin sakanya ng mga kaibigan niya dahil ulit sakin, napakarami ko ng kasalanan kay Marcus pag nagkataon.
Ba't kasi sa dinarami-dami ng tao na pwedeng mapili ng singsing, ikaw pa?
"Boss?"
Napalingon ako kela Rama na nasa mukha rin ang naguguluhan habang iniwagayway naman ni Verix ang kamay niya. Si Gabo naman ay seryosong nakamasid kay Marcus.
"What?!" His voice roared over the room. Iritado na ang tono nito. At nagpapasalamat ako ng tigilan niya ang katitig sakin.
"Saan ka nakatingin? Wala ka pa ba sa wisyo?" Tanong ni Gabo. "Feeling something, Boss?" Dagdag niya pa.
"Nah." Iling ni Marcus at ibinagsak ang katawan sa kama at nagtalukbong ng kumot na parang bata. "Just get out." Pagtataboy niya sa tatlo na ikinanganga ko.
"Marcus! Ba't mo sila pinapaalis?! Alam mo bang hindi pa sila maayos na nakatulog dahil sa pag-aalala sayo?" This is impossible! Sana manlang ay sinagot niya sila Rama ng maayos, hindi yung magtatalukbong siya ng kumot na parang bata. ..
"Boss!" Apila ni Verix habang nakanguso. "I'm wounded! Pagkatapos--"
"It's your Job, mister." Agarang sagot ni Marcus kaya lalo akong napanganga. Kailan pa binayaran ang pag-aalala ng isang tao?! "And whatever." Pabalang na sagot nito na tingin ko 'eh para sakin dahil sa sinabi ko kanina.
"We'll leave you for a moment, pero babalik ako to check on you, Boss."
Walang sagot si Marcus kaya umalis ang tatlo. Tinignan ko naman ang likod ni Marcus na naka-harap sakin. Parang bata! "Marcus!" Tawag ko sakanya.
"You're not real." Iling nito. "This is insane. Hallucination, maybe? Damn." Bulong nito pero hindi nakatakas sa pandinig ko!
Hallucination?
"Hoy! Hindi ako hallucination! Ikaw lang ang nakakakita sa akin!"
"Damn. Do I need a psychiatrist?" Tanong nito sa sarili niya. Natawa naman siya at kita ko ang pag-iling ng ulo niya. "f**k, nababaliw na ako? Hindi pwede!" Sabi nito.
Aba! Mababaliw talaga siya sa ginagawa niya! I lean on to his bed at inabot ang balikat nito. I felt him stiffened pero agad din siyang umupo at humarap sakin.
"Marcus!" Sigaw ko sakanya. Mababaliw talaga siya pag hindi niya ako pinaniwalaan!
Tinignan niya ako na may kunot sa kanyang noo at nanlalaki ang mga mata nito. Tinitigan ako nito na parang sinusuri kaya nakailang beses akong napalunok. Ano bang problema niya? Balak niya ba ako tunawin?
"Marcus!" Muling tawag ko sakanya ng makita ko siyang napaatras papalayo sakin.
"Damn, nananaginip 'ata ako. Tama, iyon yun. Tama." Para siyang bata na tatango-tango. Napatingala siya. "Damn, ayoko pang mabaliw." Sabi niya sakanyang sarili.
"Hindi ka nga mababaliw!" Sumampa ako sa kama nito kaya naman umatras siya papalayo sakin.
"You're a nightmare!" Duro nito sakin.
"Mukha ba akong bangungot?!"
"Yes!" He growled.
"Aba't!" Akmang papaluin ko na ang kanyang balikat ng umatras siya kaya nagdire-diretso siya pababa ng kama.
"Tangina." Rinig kong bulong niya. Natawa naman ako at sumilip sakanya mula sa kama. I stuck my tongue out.
"Ayan, ang gaslaw kasi. Nahulog ka tuloy!" Pang-aasar ko. Umupo naman siya at dinaing ang balikat na may tama pala! Hindi pa sya magaling! Nakalimutan ko tuloy! Kasi naman, napakasama ng ugali sakin!
Tumayo ako at dinaluhan siya sa sahig. Nag squat ako sa harap nito. "Okay ka lang?" Tanong ko sakanya. Napangiwi naman siya habang nakatingin sa braso niyang may tama ng bala. Medyo napaatras ako ng ilipat nito sakin ang nakakunot na noo at sinamaan ako ng tingin.
"I want to wake up!" parang bata niyang sigaw. "Damn this! You're just my nightmare!" Iling niya at pumikit. Lumapit ako sakanya at pinitik ang ilong niya, dahilan para mapamulat ito.
"Hindi ka nga nanaginip! Totoo 'to! Multo nga lang ako!" Paliwanag ako.
Nanlaki ang mga mata nito habang tumatango. "Right. .."
Napangiti ako. Sa wakas! Naniwala na rin siya! "Right!" Gaya ko sa sinabi niya.
"Tama. Nababaliw na ako. .." Sabi nito habang nakatingin sa kawalan.
Napangiwi naman ako. Bastos! "Marcus naman!" Akala ko naniniwala na siya 'eh!
"Teka. ..bakit ko ba sinisisi ang sarili ko?" Bulong nito habang nakayuko. Okay!
"Marcus, tinatakot mo na ako!" Aba, baka nabaliw na siya ng tuluyan! Paano na ang misyon ko? Bakit ba ang hirap paniwalaan na nagsasabi ako ng totoo?
Sabagay. ..multo kasi ako, at sa panahon ngayon? Mahirap na paniwalaan ang ganitong pangyayari.
"Kung. .." Nag-angat siya ng tingi at inilapit ang mukha nito sakin. Naduling naman ako dahil sa lapit niya. "Kung ikaw naman talaga ang nababaliw sa ating dalawa!" Inilayo nito ang mukha niya sakin then he giggled.
Okay! Nababaliw na siya! Nabaliw na ng tuluyan si Marcus!
"Gumawa ka ng paraan kung paano ka niya paniniwalaan."
Ayan na naman ang boses sa ulo ko! Paano ko siya mapaniniwala?! Mukhang mababaliw muna siya bago ko siyang mapaniwala! At maloloka na rin ako!
"Rama! Verix!" He shout. Lalong nanlaki ang mga mata ko.
"Marcus! Ano ba?! Hindi nga nila ako makikita kasi multo ako! Ikaw lang ang makakakita sa akin kasi nga, ikaw yung napili ng singsing ko! Ano ba!" Itinaas ko ang dalawa kong kamay para kumalma siya! Para siyang bata na tinatawag ang nanay! Jusko!
"What the hell are you talking about?!" Sigaw nito. "Tangina." Pinikit nito ng mariin ang mga mata niya. Halatang kinakalma niya ang sarili. "Hindi ka totoo. .." He breathed out.
"Marcus. .." Mahinahon kong tinawag siya. He open his eyes. Tinitigan muli ako nito. Sandaling nawala ang tingin nito sa mata ko, pero ramdam kong nakatitig siya sa parte ng aking mukha pero hindi ko nahuli kung anong tinignan niya dahil sandali lang ito.
"Halikan mo siya."
Nanlaki ang mga mata ko sa bulong nung boses sa isip ko. Ano?! Halikan?! Nababaliw ka na ba?! Baka lalo siya mag-hysterical!
Nanlaki naman ang mga mata ko ng sinimulan niyang tumayo at naglakad papalayo sa akin. Ano isusumbong niya ako?! Pagkakamalan siyang baliw ng mga kaibigan niya!
"Marcus!" Hinawakan ko ang balikat nito. Pero hinila ito ni Marcus kaya napunta ako sa harap nito.
"Nahahawakan kita! They must be playing with me, na hindi ka nila nakikita kasi kinasabwat mo sila!" Mahigpit ang hawak nito sa wrist ko kaya napangiwi ako. Kita ko ang galit nito sa mukha niya at namumula ng leeg nito. "Damn, walang sino man ang pwedeng gumawa sakin nito."
"Ano ba! Nasasaktan ako!" Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at pinaningkitan ng mata.
Ngumisi siya. "Hindi mo alam, kung sino ang kinakalaban mo. ."
Aish! Bahala na!
Inabot ko ang labi nito at idinampi ang akin.
Bakit ko nga ba siya hinahalikan?