Agad akong humiwalay sakanya. Nakita ko ang mukha nito na mukhang nakakita ng multo at nakatingin siya sa kawalan. Bakit ko ba kasi siya hinalikan?! Ba't ba kasi ako sumunod sa boses na nasa utak ko? Mukha naman akong pinaglalaruan ni Lolo 'eh! Eh kasi naman, ang ingay-ingay niya! Hindi ko naman pwedeng patahimikin siya gamit ng kamay ko kasi mukhang babalian niya lang ako! At kung kakausapin ko lang siya about sa pananahimik niya 'eh. ..lalo siyang magwawala! Kaya wala akong choice! Tama, sige! Mag dahilan ka pa! Argh! Binalik ko ang tingin ko kay Marcus na ngayon ay nakatingin na sa akin pero walang kareaksyon-reaksyon. And it creeps me out! "M-Marcus. ..?" Nakipagsukatan ako ng tingin sakanya. Please, parang mas gusto ko tuloy na maingay ka! "What. .." He breathed in. ". ..the f**k

