Inilapag ni Fac Yu ang isang folder sa harap ni Marga. Naglalaman iyon ng profiles ng mga fake husband na hina-hire ng mga kliyente nila. Sinusundan lang ng tingin ni Marga si Fac Yu habang palipat-lipat ito sa mga folders na nakakalat sa mesa ng kaniyang table. He’s good looking but somehow a messy one. Napaisip din si Marga kung bakit tila balisa si Fac Yu. Hindi naman ito napagalitan ng kanilang boss. Hindi rin naman masyadong halata na kinakabahan ito pero hindi niya maintindihan kung bakit parang aligaga ito. “My God! Nasaan na ba ‘yon?” may paghawak sa magkabilang sentidong wika ni Fac Yu na panay ang hawi sa mga folders. “Anong hinahanap mo?” Doon na kumibo si Marga. Hindi rin naman niya alam kung matatagalan pa niyang makita ang kasama na ganoon kabalisa kaya naisip niyang magta

