Hati ang naging atensyon ni Marga sa lugar kung saan siya naroroon. Wala siyang matandaan kung saang lugar ba sila dumaan. Ang alam lang niya ay sinundan niya lang ang sasakyan ni Fac Yu. Hindi na niya inaam kung saan ang mga pasikot-sikot sa lugar dahil sa kyuryosidad na tumatakbo sa kaniyang isipan. Bagama't namamangha sa nakikitang eleganteng lugar ay nakaramdam siya ng kaba. “N-nasaan tayo?” may pagtatakang tanong ni Marga na halos mapilipit na ang leeg sa taas mg kisameng nakikita at mga naglalakihang paintings na nakasabit sa pader. The place was like an art gallery. The red painted wall compliments its color to the art works. Kahit sino yatang mapunta roon ay tila mamamangha sa sobrang ganda ng mga paintings. “Welcome to RnJ Art Gallery. All the paintings that you see was created

