Chapter 4

1139 Words
Nagaganap ang isang malaking pagtitipon sa bulwagan ng isang malapalasyong bahay. It wasn’t just a party. The purpose of that party was to present their new innovation of phones produce in the different part of the world. AC EMPIRE CORPORATION — sino namang hindi makakakilala sa kompanyang halos iangat na ang buong bansa pagdating sa pagpapakilala ng makabagong teknolohiya? Only few of those investors and business tycoons doesn’t know about them. Halos lahat na yata ng sulok ng mundo ay nakabalandra ang kanilang kompanya. Bilyong dolyar ang kinikita ng kompanya kaya naman kahit sino ay gugustuhing masungkit ang nasabing negosyo. Ngunit nananatiling lihim sa karamihan ang totoong nagmamay-ari ng AC Empire Corporation. Madalas kasi, ang humaharap lang sa media para magpa-interview ay ang spokesperson ng CEO ng nasabing korporasyon. Ngunit dahil nasa Pilipinas sila, tila ba naging espesyal ang pagtitipon na iyon sapagkat magpapakilala na raw ang tao sa likod ng matagumpay na pagpapatakbo ng nasabing negosyo. Everybody was very excited. Maaga pa lamang ay naroon na ang iba’t ibang deligado ng iba-ibang bansa at mga negosyanteng nagnanais makadaupang palad ang taong iyon. Also, Marga was invited to attend that party. It wasn’t her idea to attend that kind of party but because of Hanna, she was forced to meet those people. Hindi naman kasi siya ganoon kahilig sa mga ganoong klaseng event. Well, knowing her as an aloof person, masyadong magarbo at matao ang lugar na iyon sa kaniya. Kaya nga madalas ay kasama lang niya ang kaibigan niya sa isang sulok ng bar kapag iniimbitahan siya ng mga ito. Pili lang kasi ang mga taong gusto niyang pakisamahan. “Hello, girl! Nasaan ka na?” Iyon ang bungad ni Hanna kay Marga nang sagutin niya ang kaniyang phone. Masyadong malakas ang music sa loob kaya halos sumigaw na si Hanna sa kabilang linya. “Nandito na ako sa labas! Can you fetch me up?” may inis niyang pakiusap sa kaibigan. Hannah suggested her to wear something elegant na magmumukha daw siyang Miss Universe. Kaya lang, hindi naman sanay si Marga sa ganoong klaseng kasuotan. Madalas kasi, kapag nakikipag-meeting siya, very formal attire ang isinusuot niya pero never siya nagsuot ng long dress tulad ng suot niya ngayon. Hindi naman siya ang klase ng babae na mahilig sa mga magagarang damit. Pero dahil hiniling ng kaibigan ay wala siyang nagawa. “Okay. I’ll see you outside.” Kaagad na hinila ni Marga ang lislis ng kaniyang gown at saka bumaba ng sasakyan. Unang pagtapak pa lamang niya sa red carpet ay parang mga kidlat na sumalubong sa kaniya ang mga nagpa-flash na ilaw na camera ng mga media. She felt awkward at mabilis na tinakpan ang kaniyang mukha. Mabuti na lang at mabilis na lumapit sa kaniya si Hanna. “Guys, sorry! Hindi sanay sa camera ang kaibigan ko.” Kumaway-kaway pa si Hanna sa mga kumukuha ng litrato hindi para sabihing ituloy ang ginagawa kundi para sawayin ang mga ito. Subalit talaga yatang hindi marunong making ang media. Tuloy pa rin sila sa pagkuha ng mga pictures kahit pa halos takpan na ni Marga ang sarili. Kung hindi lang talaga dahil sa negosyo niya, hindi siya papayag na pumunta roon. Nang tuluyan na silang makalayo sa mga media ay saka pa lamang tinanggal ang kamay niya sa mukha. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kanina nang makababa ng sasakyan dahil iyon ang unang beses na halos pagpiyestahan siya ng mga tao. Hindi naman siya sikat para pagkaguluhan. Maliit na advertising company pa lang naman ang pag-aari niya at maliliit na investor pa lang naman ang kasama niya. But Hanna insist that she needs to level up her business. Kailangan niyang makabingwit ng malalaking isda at ang event na iyon ang tanging paraan para mas mapalaki ang din net worth ng company. Marga realizes that Hanna was right. Ang goal niya is to be on top, kaya kahit hindi siya sanay sa ganoong klaseng pagtitipon ay kailangan niyang gawin iyon para lang makuha ang matagal na niyang minimithi. “Bakit ba kasi kailangang may media rito?” naiinis na wika ni Marga sa kaibigan at hinawi ang kaniyang buhok. “Ano ba, girl? This is the event of the year! Imagine, sa atin lang magpi-face reveal ang CEO ng AC Empire? Natural lang na dumugin tayo ng media. At hindi lang media, they are called paparazzi.” Feel na feel pa ni Hanna ang paghawak sa kaniyang bewang habang sinasambit ang mga katagang iyon na wari’y nagpo-pose sa harap ng camera. “Paparazzi your ass. Sino ba kasi ‘yang CEO na ‘yan at bakit ganito na lang ang pagkahumaling ng mga business tycoon sa kaniya?” pagtataka ni Marga. Wala siyang ideya kung sino ang taong ipinunta niya roon kaya para bang nawawalan siya ng interes na pumunta roon. Bakit kasi kailangan pang magtago ng isang tao sa lahat ng tao ganoong maimpuwensya naman ito? “Balita ko kasi, this CEO was a hottie. Bata pa raw at wala pang asawa.” Tila may laman ang mga sinasabi ni Hanna. Tila ba isang pahiwatig iyon na may bagong lalaki na naman siyang target. Pihadong hindi niya palalagpasin ang pagkakataong makilala ang lalaking nagtatago sa likod ng lahat. “Galing mo makasagap ng balit, ha? Saan mo naman nabalitaan ‘yan?” usisa ni Marga. “Well… I have connections,” may pagmamalaking wika ni Hanna. Kusa namang tumaas ang isang kilay ni Marga matapos marinig ang sinabi ng kaibigan. “Saka alam mo, ang sabi nila, guwapo raw ang may-ari ng AC Empire,” dagdag pa nito sabay hampas sa balikat ng kaibigan. “Ewan ko sa iyo. Ang weird mo,” pagmamataray ni Marga. Nagmamadali naman siyang naglakad papasok ng convention hall dahil gusto na niyang matapos ang gabing iyon at makakilala ang mga negosyanteng interesadong mag-invest sa kaniya. Eksakto namang pagpasok niya ay doon pa lamang ipinakilala ang pinakahihintay ng lahat. “Ayan kasi, ang tagal mo. Muntik na tayong ma-late,” angal ni Hanna na nasa likuran lang niya. Nakatanaw lang ang dalawa sa stage habang nagsasalita ang host. “Good evening, ladies and gentlemen. I want to present to you the man behind the success of AC Empire…” Ilang saglit lang ay nagbukas ang kurtina at sa likod nito ay bumungad ang isang lalaki. Isang bagong mukha ang tumambad sa harap ng karamihan subalit hindi para kay Marga. “Let us please welcome, Mister Angelo Collins!” Pamilyar na mukha. Pamilyar na pangalan. Hinding-hindi makakalimutan ni Marga ang mukhang iyon. Ang mukha ng lalaking nanakit sa kaniya. Halos dumagundong ang dibdib niya nang tuluyang masilayan ang mukha ng lalaking iyon. “What the—” Hindi na niya magawang ituloy ang katagang nais pang idugtong. Tila ba nanigas siya sa kinatatayuan at pakirmadam niya’y namamanhid ang kaniyang buong katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD