Strings of Faith dating agency... Sinong mag-aakalang may ganito palang klase ng dating agency. It may sounds weird for Marga but it might help her to solve her problem. Hindi kasi siya makapapayag na lamunin na naman siya ng karupukan at bumalik sa lalaking nanakit sa kaniya. Hindi na maaaring mangyari ang bagay na iyon. Sabihin na ngang guwapo at matipunong lalaki si Angelo na halos kahumalingan ng lahat ng babaeng makakakita sa kaniya subalit hindi sapat iyon dahil alam na alam niyang sa likod ng napakaamong mukha ng binata ay nagtatago ang malademonyo nitong pagkatao. Kaya naman naisip ni Marga na kailangan niyang gumawa ng paraan upang maisalba ang sarili sa lalaking gusto na niyang takasan. “Napakatagal nang panahon kong iniiwasan ka, Angelo. Ayaw ko nang guluhin mo pa ulit ang

