“Dang it!” Paulit-ulit na hinampas ni Marga ang manibela ng kaniyang sasakyan. After that conversation with Angelo, she decided to sneak out at the party. Hindi na niya nagawa pang makapaghanap ng investors sa nasabing pagtitipon. Hindi na niya kasi matatagalan pa ang manatili pa sa lugar na iyon sapagkat masyado nang nakasusulasok ang bulwagan para sa kanya hindi dahil sa dami ng taong naroroon kundi dahil hindi na niya kayang makita pa ang lalaking kinamumuhian niya ng napakatagal na panahon. Tila nga pinaglalaruan siya ng tadhana dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Sino ba namang mag-aakala na sa loob ng mahigit limang taon ay magkikita ulit sila ng lalaking halos isinumpa niya buong buhay at naging dahilan kung bakit lumayo siya sa mga lalaki. Angelo was her first and last boyfri

