“WHAT’S NOT IN ME na mayro’n sa lalaking ‘yon bukod sa CEO din siya ng isang kompanya?” Angelo still got furious. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos maisip na nakahanap na si Marga ng ipapalit sa kanya. Ang rason talaga sa pag-uwi niya ay dahil sa gusto niyang mahanap ang dalaga na tinakasan siya ilang taon na ang nakalilipas. Marga escaped because he told her na isasama raw niya ito noon sa America para doon na manirahan. Sa sobrang pagmamahal niya sa dalaga, hindi kayang mawalay ni Angelo sa kanya. Ngunit dahil sa oportunidad na nakuha niya noon ay hinayaan na lang niya muna si Marga at tumuloy sa ibang bansa at pinangakong sa pag-uwi niya sa Pilipinas ay hahanapin niyang muli ang dalaga para makuha muli ito. “Baka naman mas magaling sa iyo sa kama,” pagbibiro ng kaibigan niya

