LATE NANG NAKAPASOK si Marga. Sino ba namang hindi tatanghaliin ng gising kung halos buong gabi ay nag-party? May hang-over pa ang dalaga kaya pakiramdam niya ay mabibiyak ang kanyang ulo sa sobrang sakit. Pero hindi niya p’wedeng libanan ang araw ng pagpasok sa opisina kaya kahit masama na ang pakiramdam ay pinilit pa rin niyang magtrabaho. Sinalubong siya ng pagbati ng kaniyang mga empleyado paglabas pa lang niya ng elevator. “Good morning, Miss Marga…” “Good morning.” Hindi niya magawang makatingin dahil nakaharang ang kamay niya habang minamasahe ang sentido. She looks so messed up. Marga never thought that she could drink that hard again. Ang huling pag-inom niya ng alak nang ganoon kalala ay noong nakipaghiwalay siya sa kaniyang ex-boyfriend-s***h-live-in partner na si Angelo. Hi

