“NAGAWA n’yo na bang maging sinungaling sa isa’t isa?” was very tough question for the two of them. Kahit nga ang pagiging magkasintahan nila ay isang buong kasinungalingan, paano pa nila mapapatunayan na honest sila sa isa’t isa? Pero tulad nga ng napag-usapan, they both need to act like they have a romantic connection. Sanay na si Iñigo sa ganoong sitwasyon kaya naman para maging makatotohanan sa harap ng mga kaibigan ni Marga ang lahat ay tinitigan niya ang dalaga. “I never lied to her even before we met.” He slowly held her hand and stared at her eyes. Sa pagkakataong ‘yon, mukhang si Marga naman ang hindi makasakay. Marga felt uncomfortable when Iñigo looked at her eyes. Para bang seryoso siya sa sinabi niya. ‘Yong tipong walang halong pagbibiro o kahit anong panloloko. Pero aware

