1 year ago… “It is so nice to have you here, Miss Santillan!” ang masiglang pagbati ng dekano ng Dalton University kung saan nagtuturo bilang propesor si Iñigo. Lahat ng mga taong naroroon ay binabati ang dalaga at kinakamayan siya bilang isang panauhing pandangal. “Thank you, Mr. Ramirez.” Pinong-pino ang kilos ng dalaga na hindi para bang isang makabasag-pinggan ang pagiging mayumi. “Let’s go? Hinihintay ka na ng mga estudyanteng nais magpasalamat sa iyo,” anyaya ng dean ng eskwelahan. Hindi pa man nakapapanhik ng entablado ay isang masigabong palakpakan agad ang sumalubong sa kaniya nang makapasok siya sa bulwagan ng paaralan. Panay naman ang yuko ng mga estudyanteng nasasalubong niya sa aisle ng convention hall kung saan gaganapin ang kaniyang speech. She donated a school buildin

