“S-sorry, I have to go. Pipirmahan ko na ‘to.” Ni hindi man lang binasa ng kliyente ni Iñigo ang kontratang pinirmahan. Hindi man lang nito inalam kung magkano ang babayaran. Para bang hindi wala itong pakialam sa kung gaano kamahal ang serbisyong ibibigay sa kaniya ng binata kaya ganoon na lamang ang padalos-dalos nitong desisyon. Subalit hindi nakaligtas kay Iñigo ang hitsura ng babaeng iyon. Naging pamilyar sa kaniya ang napakaamong mukha at napakaganda nitong pisikal na katangian. Admit it or not, the woman in front of her was an epitome of beauty. Ang mahaba nitong pilikmata at ang bilugan nitong mata, talagang nakabibighaning pagmasdan. She’s indeed attractive on how the way she talks. Buong-buo ang boses ng dalagang kaniyang nakausap na bagaman may angking pagkasuplada ay sadyang n

