“Bakit ang tagal mo?” Iyon kaagad ang naging bungad ni Marga kay Iñigo nang magkita sila sa isang event center sa Makati. Doon gaganapin ang launching ng isang malaliking perfumery company kung saan malapit na kaibigan ni Marga ang nagmamay-ari. Hindi palalagpasin ni Marga ang pagkakataong iyon dahil malaking investment sa kompanya niya ang nakataya rito at isa pa, alam niyang dadalo roon si Angelo. Kailangan niyang patunayan na kapag nagkita sila ay may ipakikilala siyang lalaki sa dating karelasyon nang sa ganoon ay tigilan na siya nito. “Sorry. Traffic kasi, at saka hinanap ko pa itong venue," ani Iñigo na pawis na pawis at halatang nagmamadali. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin nawawala ang taglay nitong kakisigan sa mga mata ni Marga. Subalit hindi siya dapat magpatinag sa mga n

