ASHELY POV Simula nang nagtabi kami ni Dusk sa pagtulog ay mas lalong lumalim ang aking nararamdaman para sa kanya. Wala man kaming level sa iba subalit alam ko na mahal namin ang isat-isa. At masaya ako sa kung anong mayroon man kami. Lalong dumalas ang aming pagpupuslit para palihim na magkita. Minsan lantaran rin akong susunduin ni Dusk, kunwari mayroon kaming group project. Hindi man lang naghinala ang aming mga magulang. At nitong mga nakaraang mga gabi ay panay ang puslit ko para makipagkita sa kay Dusk. Kahit na para kaming mga magnanakaw na takot maabotan or mahuli, hindi pa rin kami tumitigil sa aming lihim na pagkikita. Halos naging makulay ang aking mga araw. Walang nakakaalam ng mga pinagagawa namin maging sa campus. Magkasabay kami nila Abby at Dawny sa pag

