ASHLEY P.O.V. Ang minsan pagtulog ni Dusk sa tabi ko ay muli pang nasudan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya matanggihan. Maybe because him sleeping by my side felt so good. Saka panatag ako dahil ni minsan hindi niya ako binastos. He's a gentleman in bed. We just literally sleep. Walang kamalay-malay ang aking mga magulang na pinapatulog ko si Dusk sa aking silid. Maging si Dawn at Abby ay walang ring alam. Tanging kami lang ni Dusk. Then, isang araw, ako naman ang niyaya ni Dusk na matulog sa kanila. Sa una ay tumutol ako. Natatakot kasi ako na may makakita sa amin. But Dusk assured me na walang makakaalam. Ang kailangan lang namin gawin ay ang masidhing pag-iingat. Nang malaman ko na may ibang daan papasok sa kwarto ni Dusk ay napapayag niya din ako. Malalim na ang gabi

