Pumasok si Cheska sa office ko na kabilaan ang hawak na gift box. Nakanguso siyang tumingin sa isang sulok na puno na ng regalo at bulaklak. "Ipamigay mo na 'yang mga regalo pati itong mga nakaraan..." "Kung sino man po itong manliligaw niyo Miss siguro sobrang yaman at maraming oras mag-isip ng ibibigay sa 'yo." Napailing na lang ako sa biro niya. "Wala ba talagang pangalan kung kanino galing?" Lahat naman ng nanliligaw sa akin ay tumatawag para itanong kung natanggap ko ang pinadala nila, pero ito lang na nagbibigay araw-araw ang walang pagkakakilanlan. "Wala talaga, Miss." Ayaw kong mabahala kasi baka naman gusto muna niyang magpakamisteryoso, tipong iba siya sa lahat pero hindi na ako natutuwa na kahit sa bahay ay nagpapadala siya ng regalo at bulaklak. It's getting uncomfortab

