Chapter 2

1616 Words
Napatayo ako ng bigla. Inayos ko ang mga supot na may laman ng mga pinamili ko. Kahit halos manlambot ang tuhod ko sa kakaibang titig na iyon ay pinilit kong humakbang papalayo sa lugar na iyon. Naramdaman ko na naman siya. The last time na naramdaman ko itong pakiramdam na ito ay kanina at ang pinakang una kong maramdaman ito ay three years ago. Yun yung kumukuha ako ng scholarship sa mga Chauser. Pero napakatagal na nun. At naaalala ko pang ilang araw ko ring naramdaman yun na parang palaging may nagbabantay sakin.  Hindi ko alam ang kailangan niya sa akin pero isa lang ang alam ko kahit na nakakaramdam ako ng mga ganito ay hindi ako naka ramdam ng takot sa di malamang dahil. After ng ilang araw na yun ay nawala din yun kasabay ng pagkakakuha ko ng scholar at sabay din sa pag alis ng mga Chauser. Pero ipagsasawalang bahala ko na lang ba ulit ito tulad ng dito?Aysh. Di ko na alam ang gagawin ko. Pero hindi naman kailangang may gawin ako diba? Kasi wala pang ginagawa ang kung sino mang nagmamasid na iyon. Wala pa pero paano kung may gawin? Aysh! Gulong gulo na ako. Nagpara ako ng Jeep na masasakyan pauwi. Hindi naman siguro ako nun susundan pa, di'ba? Nagbayad na ako at bumaba. Inilagay ko ang mga binili ko sa kusina at inayos na rin. Kahit papaano ay nawala sa utak ko ang taong yun. Pero sino nga ba yun?Aysh. Ba't ko ba yun iniisip e wala naman atang gagawin. Bahala na nga. Dahil kailangan naming gumawa ng group project ay naligo na ako at nagsuot ng jeans and black t-shirt. Pagkatapos mag ayos ay lumabas na ako ng bahay dala ang mga kakailanganin para sa group project namin. Nagcommute ako papunta sa tagpuan naming magkakaklase. Sa isang coffee shop nila napiling magkita kita. Pagdating ko dun ay ako na lang hinihintay. "Sorry late ako." Hinging paumanhin ko. "Hindi, okay lang kararating lang din naman ni Paul at Ria e." Ani ng leader naming si Vince. Bale pito kaming magkakagrupo. "Kompleto na tayo. Saan tayo gagawa?" Tanong ni Lora. "Sa inyo na lang tayo Fin tutal malapit lang din naman yung bahay niyo dito." Suggestion ni Ronnie. Na sinang ayunan namin dahil mag aaksaya pa kami ng oras kung malayo pa ang byahe namin kung sa ibang bahay pa kami gagawa. "Kayo bahala. " Sagot naman niya. Mabilisan kaming nagsitayo. Totoo ngang malapit lang pero sa loob pa ng isang subdivision ang bahay nila kaya kahit papano ay pinagpawisan din kami sa paglalakad. Namangha kami ng makapasok kami sa bahay nila. Ang ganda at sobrang laki. Para na nga itong tinitirhan ng mga negosyanteng may malalaking business sabagay ang balita ko pamangkin siya ng may ari ng school namin, nina Mr and Mrs Chauser. Medyo ilang ako sa bawat galaw ko lalo na't di naman ako sanay. "Saan tayo gagawa sa garden o dito na lang sa sala?" Tanong niya samin. Mas pinili naming sa garden na lang para maganda ang view at ramdam ang sariwang hangin. Pumunta na din kami dun. Inilabas na namin ang lahat ng mga gamit namin. Ibinigay ni Vince yung mga part na gagawin namin. Isang report kasi ang gagawin namin na magsisilbing project din namin. At dahil nakakaaliw ang paligid dahil sa naggagandahang mga bulaklak dito sa garden nila Fin ay masyado kaming na inspired ding gumawa. Lumipas ang dalawang oras at 3:00 pm na pala. Di namin namalayan ang bilis ng oras dahil masyado kaming busy sa mga assigned na part na gagawin namin sa report namin. At dahil pito din kami ay halos patapos na ang karamihan sa amin.  Humikab muna ako at nag unat unat ng mawala kahit papano ang ngalay. Bago pa lang ako magsisimulang muli sa aking ginagawa ay nakarinig kami ng busina ng isang sasakyan at dahil nasa may parteng gilid ang garden nila kung saan kita ang pagpasok ng isang mamahaling sasakyan at papunta sa garahe kay di na din namin nakita. May kakaibang curiosity akong naramdaman kung sino yung dumating. Tumayo naman si Fin para siguro salubungin ang bagong dating na bisita nila. "Pupuntahan ko lang yung dumating." Paalam niya.  Pumasok siya sa loob ng bahay nila kaya hindi ko na siya nakita pa at siguro ay nasa loob na rin ang bisita niya. Babalik na sana ako sa ginagawa ko ng maramdaman kong may nakatitig sa akin mula sa likuran. Ang pamilyar na pakiramdam na yun ay naramdaman kong muli. Nilingon ko ang likuran ko kung saan naroon ang pintuan na pinasukan kanina lang ni Fin. Pero ng lingonin ko yun ay wala akong nakitang tao ron. Pero nakita kong sumilip mula don si Fin na para bang may tinitingnan. Siguro kami lang ang tinitingnan nun kung dire-diretso kaming gumagawa o okay lang kami. Weird. Ang weird weird na ng pakiramdam ko simula lang ng dumating ang kung sino mang bisitang iyon ni Fin. Salamat naman at kahit parang di mapakali ang katawan lalo na ang puso ko ay natapos ko ang parte ko sa report namin. Tumayo ako para mag unat unat dahil ngalay na ko at nangingime na din ang mga binti ko dahil sa tagal ng pagkakaupo ko. Tapos na rin sila kaya naman ibinigay na namin kay Vince ang mga gawa namin at siya na lang ang magpa finalize at tapos na kami. "Tapos na din. Kangalay." Ani Ronnie na may pag uunat pa sa harapan namin. Di pa rin bumabalik si Fin mula ng umalis siya kanina. May dumating na katulong ang tumawag sa amin. "Pinapatawag po kayo ni sir Fin para mag meryenda sa loob." "Susunod na po kami." Magalang na sagot ni Ria sa kasambahay. Bago kami pumasok sa loob ay nagligpit muna kami ng mga kalat namin dahil sa mga scratch papers na ginamit namin. Pumasok na rin kami sa loob ng bahay nila Fin pagkatapos magligpit. Nakita namin siyang nakaupo sa isang stool sa counter ng kusina namin na tila kay lalim ng iniisip. "Hey." Bati ni Paul sa kaniya. "Uh hey. Vince isesend ko na lang through email yung parte ko tataposin ko na lang mamaya, something came up e." Sabi niya habang nakatingin sakin. Mata sa mata. Ano bang problema nitong lalaking to? Sa tingin niya parang sinusuri niya ako, ang buong pagkatao ko. Napakurap ako ng makitang panandaliang, naging intense yellow na parang naggogold ang kulay ng mga mata niya. Hindi niya pa rin iniiwas ang tingin niya kaya ako na ang umiwas. Tinataasan na ako ng balahibo sa batok sa klase ng titig niya.  Kahit naiilang ako ay di ko na lang pinahalata sa kanila tutal pauwi na din kami ang pinagtataka ko lang ay ang mga tingin ni Fin. Tulad nga ng sabi ni Fin ay nagmeryenda kami. Nagkekwentuhan sila habang kumakain pero ako tahimik lang. Kahit nakikisali sa usapan nila si Fin ay hindi pa rin maalis ang mga sulyap niya bawat minuto. Nang paalis na kami ay tinawag ako ni Fin. Parang gusto niyang magtanong pero hindi din niya itinuloy. Naglakad kami at nadaanan naming muli ang coffee shop na pinagmulan namin kanina. Halos alas singko na din ng hapon kaya hindi na gaanong ka init ang paglalakad at nag kakatuwaan din sila kaya di masyadong boring para sa kanila ang paglalakad. Nagkahiwa hiwalay kami sa parteng malapit sa sakayan dahil halos magkakalayo ang mga bahay namin.  Sa lalim ng iniisip ko kaya halos mapatalon ako sa gulat ng biglang nag ring ang cp ko. Sinagot ko ito ng makitang si ate Gia ang tumatawag , pinsan ko. "Hello, Ate." Tumigil muna ako sa paglalakad. "Asan ka?" "Gumawa kami ng project ng mga kaklase ko. Sorry di ko pala nasabi sayo." Sagot ko habang palinga linga. Sa paglingon ko sa likod ko ay may nakita akong lalaking sa tingin ko ay kanina pa naka sino sa kin dahil tumigil din. Mukha nga namang minamalas kasi mukhang hindi magpapahuli ng buhay ang lalaking ito. Lumakad na ulit ako pero sunusundan talaga niya ako. Pag nga naman minamalas. "Hello, Ali. Andiyan ka pa ----"  Nagulat ako ng biglang hablutin ang cellphone ko mula sa pagkakahawak ng lalaking kanina pa sunod ng sunod sa kin. "Hala! CELLPHONE KO! TULONG!" Sigaw para humingi ng tulong habang tumatakbo. Pilit kong hinahabol ang hayop na yun. "SNATCHER! TULONGAN NIYO KO!" Sigaw pa rin ako ng sigaw. Nang malapit na ako sa talipandas na snatcher na yun na nakuha pa akong lingonin dahil sa paglingon niya ay di niya napansing bumukas ang pinto ng kotseng nakaparada lang sa tabi ng daan kaya't huli na nang lumingon siya dahil tumama na ang katawan. Nang makalapit ako ay laking tuwa ko ng makuhang muli ang cp ko. Halos mas maliit lang ng isang dangkal ang snatcher kesa sakin. Nang tingnan ko ang snatcher ay putok ang labi nito na siguradong tumama at dahil sa lakas ng impact ay kaya halos mawalan na ng ulirat ang walang-hiyang snatcher na to. Sa sobrang inis ko ay di ko napansin ang lalaking kanina pa nakatayo sa gilid ko na siyang lumabas mula sa sasakyan. Isang 6 footer na lalaki ang nasa harapan ko. May makinis na mukha, matangos na ilong , maputing balat , nakakalunod na mga mata at higit sa lahat ang natural na mapulang labi nito. Para na akong kakapusin sa paghinga ng lalo kong matitigan ang kaniyang magagandang mga mata. Di ko mapigilang mapalunok. Sa hindi malamang dahilan ay parang gustong kumawala ang puso ko mula sa dibdib ko sa lakas ng t***k nito. Hindi pa matatapos ang titigan namin kung hindi siya nagsalita. "Next time, be more careful. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD